Mabisa daw ang “Robot therapist” na pagbutihin ang katawan ng mga stroke patients,
ayon sa pag-aaral ng mga researcher na inilabas sa American Stroke Association’s International Stroke Conference 2011 kamakailan.
Ang mga pasyente ng Robotic Therapy ay tumaas ang pagbuti sa mga paralisadong mga kamay o braso, ang iba ay tuluyan pang gumaling, ayon kay Dr. Kayoko Takahashi, isa sa mga researcher at therapist ng Kitasato University East ng bansang Hapon.
Napapagaling ng Robotic Therapy ang mga stroke patient dahil detalyado at masusing sinusuri ng robot ang katawan ng isang pasyente kayat naihahatid ang tamang ensayo at ehersisyo kayat mas naisasaayos ang daloy ng dugo sa katawan at utak.
Sa isang pag-aaral ng isinagawa sa 60 stroke patients na sumailalim sa therapy na ang edad ay karamihang nasa 65 anyos, 100% ang nagkaroon ng magandang pagbabago sa kanilang mga braso at kamay.
Ayon sa mga researcher, sumailalim ang mga pasyente sa apat hanggang walong linggong Robotic therapy na tumatagal ng 40 minuto bawat sesyon.
Ngunit hindi ito epektibo kung walang suportang mga gamot, rehabilitasyon, pagpupursige ng pasyente at payo ng mga doktor.
Kailangan parin dumaan ang isang pasyente sa kamay ng mga doktor upang maging ganap na gumaling, dagdag ni Dr. Takahashi.
Naimbento ang Robotic Therapy sa pagtutulungan ng mga doktor, siyentipiko at mga “programmer” ng MIT noong Abril 2010. Sa Baltimore unang sinubukan sa 50 pasyente nakaranas ng stroke. #30#
No comments:
Post a Comment