Thursday, February 3, 2011
Canada at Unang Digmaan Pangdaigdig
Ang Canada ay hindi pa ganap na isang malayang bansa ng sumali sa Unang Digmaan Pandaigdig, noong Agosto 4, 1914. At saka lamang umusad sa pagiging malayang bansa ng pagkatapos ng Unang Digmaan Pandaigdigan noong Nob. 11, 1918.
Matapos ideklara ng Britanya ang labanan ang Germany at Austro-Hungary noong Agosto 4,1914, nang nasa ilalim pa ang Canada sa pamumuno ng Emperyong Ingles. Ang Canada ay di nagdalawang isip na kumampi sa Britanya. Kahit, 7.8 milyon katao lamang ang populasyon at umabot lamang sa 60,000 sundalo sa kanyang hukbong sandatahan at walang ganap na pagsasanay at kulang pa sa sandata.
Malakas ang aniban ng Germany at Austria-Hungary dahil sa tamang pagsasanay ng kanyang mga sundalo at makapangyarihan armas, laban sa Britanya, Pransiya, Rusiya at Italya na hidi sapat ang paghahanda sa isang digmaan. Si Punong Ministro Sir Robert Laird Borden ng Konserbatibo, ang nagmunkahing magpadala ng 500,000 hukbong nabal upang tumulong sa pakikipaglaban ng Britanya. Pinakamalaking pagsubok ito ng Canada dahil sa kakaunting populasyon. Ngunit noong kasagsagan ng digmaan, maraming mga binatilyo na wala sa wastong gulang na lalaki na ipinanganak sa Britanya o may lahing Ingles ang boluntaryong pumunta sa Britanya upang ipagtangol ang kanilang bayan. Napilitan din ang ibang Canadians na makipagsapalaran dahil sa mahinang ekonomiya at kaunting trabaho sa bansa.
Ang unang pulutong ng mga sundalong Canadians ay nakarating sa Britain noong Oktubre 1914. Nasubukan ang tapang ng mga ito sa kanilang kauna-unahang pakikipaglaban sa bayan ng Ypres sa Belgium , bagamat kapos sa pagsasanay at kulang sa kagamitan laban sa makapangyarihan armas ng mga German; lalo na sa kanilang nakakalason gas. Mahigit 6,000 sundalo ang nalagas sa unang linggo pa lamang nang pakikipaglaban at napilitan umatras upang dumipensa sa mga lumulusob na mga sundalong German.
Nang magpadala ng karagdagan pwersa ang Canada . Lumaki sa apat na dibisyon ang mga sundalo sa Belgium at sa Pransiya. Isang daan libong sundalong Canadians ang nakikipagsagupa sa mga German. Sa Ypres, napanatili ito sa kamay ng Allies kahit sa kakakunti lang ang sundalo ng Canada sa tuwing may magganap na labanan. Nagwagi ang mga sundalong Canadians sa iba pang mga lugar ng Belgium , ang Festubert at St. Eloi noong 1915 at Somme noong 1916. Noong 1917, dumalo si Borden sa Imperial War Conference at nangakong na ipagpapatuloy ng Canada ang pakikipagtulungan sa Britanya. Pag-uwi ni Borden sa Canada noong Abril 1917, nagpasa ng isang batas na “compulsory service” upang madagdagan ang pwersa ng mga Canadian sa Europa. Naipasa ni Borden noong Agosto 29,1917 kahit na tumutol si Liberal Prime Minister Sir Wilfrid Laurier at mga mambabatas sa Quebec. Gumawa si Borden ng isang Union Government na meron kasamang Liberal at nanalo sa ginanap na halalan noong Dis. 17, 1917.
Maliit ang naibigay na tulong ng Canada sa larangan ng digmaan sa dagat ngunit sa digmaan panhimpapawid ay malaki sa kampanya ng Allies. Maraming mga pilotong Canadian nangibabaw sa ere halos walang panama ang mga German sa mga mandirigmang pilotong Canadians. Ang ilan na naging tanyag sa “air to air combat” ay sina W.A. “Billy” Bishop, Raymond Collishaw at William Barker, mga “aces” sa larangan ng digmaan panghimpapawid. Mahigit sa isang daan eroplano ng kaaway ang napabagsak ng mga ito.
Sa lupa naman naging matatag ang Canadian Corps., ang pinakamalaking panalo nang mapataob ang mga German sa Virmy Ridge sa Pransiya noong 1917. Gamit ang epektibong plano at mga armas na hiniram sa ng Britanya napasuko nila ang mga kaaway sa loob lamang ng apat na araw. Ang mga sundalong Canadian ay gumaling at noong Hunyo 1917, sa pangunguna ni Lt. Gen. Sir Arthur Currie, napanalo nila ang matitinding labanan sa Passchendaele noong Okt 1916 at ang Battle of Amiens noong Agosto 8, 1918.
Ang Amiens, kung saan, naging napakahalagang lugar noong First World War, naganap ang isang matinding labanan sa pagitan ng mga Allies at German. Nagtulong-tulong ang mga hukbo ng Australyano, Britanya at Canadian upang maipanalo ang laban. Nang masakop ng mga allies ang Amiens , bumagsak ang pwersa ng Germany . Isang heneral na German ang nagsabi na ang pagkatalo nila sa Amiens ay “the black day of German army.” Maraming sundalong Canadian ang nasawi, gayunman, nanalo sila sa isang importanteng laban. Matapos masakop ng allies ang Amiens , nawalan ng lakas ang Germany at nagkaroon ng tigil laban noong Nob. 11, 1918 na nagpatuloy sa Treaty of Versailles na nagpatapos sa First World War noong Hunyo 28,1919.
Ang gamtipala ng Canada sa pagsuporta sa mga Allies ay nagsimulang umusad at nakamit nito sa pagiging malaya. Anim na raan at labing siyam na libong Canadians ang nakipaglaban sa First World War halos 10% sa populasyon ng bansa. Napasama si Borden sa Versailles Treaty na kumatawan sa Canada . Napabilang ang Canada sa League of Nations na kabilang ang bansang Estados Unidos at Britanya. Noong 1920 sa Imperial Conferences, hinirang ang Canada bilang malayang bansa kabilang ang New Zealand, Australia, South Africa, na parehas din nagbigay tulong sa Britanya noong First World War. Ngunit, nakamit man ang kalayaan, hindi naman malimutan ang 60,000 sundalong namatay at 172,000 sugatan na sumabak sa Unang Digmaan ng Pandaigdig. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment