Wednesday, September 22, 2010
Anti-Littering muling ipinatupad, 100 huli
MANILA, Philippines – Mahigit isang-daang katao ang nahuli matapos ipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang batas na nagbabawal sa pagtatapon ng kalat sa kalye at sa lansangan.
Dahil seryoso ang MMDA na magpatupad ng Anti-Littering Law libu-libong “environmental cops” na ipinakalat sa mga lansangan ng Metro Manila upang manghuli ng mga taong pasaway na nagtatapon ng kalat.
May nakalakip parusa sa mga taong nahuling lumabag sa batas na ito ay bibigyan ng “environmental violation receipts o EVR.”
Ang EVR ay kailangan tubusin sa hindi babang halaga ng multa na P500-P1000 at kung hindi magbayad, maglilinis sa kalye o kahit anong klase ng “community service” sa loob ng 8-16 oras.
Kung sakali naman tumakas ang nahuling nagkalat sa kanyang ginampanan na tungkulin, magkakaroon ito ng record sa National Bureau of Investigation (NBI), bilang isang litterer.
Sa ganitong paraan, magkakaroon ng displina ang mga tao upang sumunod sa batas at mabawasan na rin ang mga kalat na nagpapalala sa baha Metro Manila, ani Francis Tolentino, MMDA tserman.
Hindi na bago ang MMDA Regulation Number 99-006 o Anti-Littering Law, na isinabatas pa noong 1996 at ngayon na lamang ipiantupad sa ilalim ng pamahalaan ni Presidente Noynoy Aquino.
Sa bagong Anti-Littering Law bawal ang magkalat, magtapon, dumura, umihi o dumumi sa pampublikong lugar upang mapanatiling malinis ang kapaligiran.
Sa unang araw tagumpay naman na naparating ang MMDA ang seryosong kampanya upang maging malinis ang Metro Manila, dagdag pa ni Tolentino. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment