Saturday, September 11, 2010

Robotic Surgeon




Sukdulan na ang naabot ng tao sa larangan ng teknolohiya at walang pasubali pati ang trabaho ng mga doktor ay mauukupuhan na ng robot.

Sa dami na ngayon naglabasan at mga makabagong teknolohiya upang mapabilis ang trabaho, doktor parin ang siyang nangangalaga ng kalusugan at buhay ng tao, ngunit may plano ang mga siyentipiko na gumawa ng Artificial Intelligence (AI) at gawin itong robot ang doktor.

Isang robotic surgeon na kayang mag-opera ng isang tao na kahit walang tulong ng doktor o anumang remote control na galing sa isang teknisiyan. Batay ito sa pag-aaral sa pangunguna ni Stepheen Smith, director ng Duke University Ultrasound Transducer Group sa Pratt School of Engineering at isang senior member ng research team.


Gamit ang isang AI program bilang utak nito, ang ultrasound 34 scanner naman ang mata ng Robot at meron mekanikal na mga kamay upang maopera ito na ang kaunaunahang Robotic Doctor, ani ni Kaicheng Liang, isa sa kasapi ng Duke research team.

Ang pagpapagana sa robot doktor ay mula sa ultrasound 3D scanner at ang mga larawang nakuha nito ay ipinapasa sa AI program na nag-uutos naman sa mechanical arms nito ang mga dapat gawin.

Sadyang kumpleto ang kagamitan ng robotic arms, meron itong matutulis na panghiwa na kayang putulin maski mga buto ng tao, mga gamot na kayang pahilomin ang mga sugat at biopsy plunger device upang makakuha ng mga samples.

Hanggang ngayon sa isang turkey pa lamang ito nasusubukan, matagumpay naman ang simulation na naganap sa pagopera ng breast ng isang turkey.

Banayad, mabilis, iksakto at maayos magtrabaho ang isang robotic doctor, kayat di magtatagal maaaring mapapalitan na ng robot ang mga dalubhasang doktor, dagdag ni Smith. #30#

No comments:

Post a Comment