Saturday, September 11, 2010
Artificial Kidney
Inihayag ng isang grupo ng researchers mula sa University of California , San Francisco (UCSF) ang paglikha sa prototype ng kauna-unahang “implantable artificial kidney.”
Ang makabagong kidney ay yari sa silicon na kayang magsala ng dugo, gumalaw bilang metabolismo ng katawan at magtrabaho tulad ng isang tunay na kidney, ayon kay Dr. Shuvo Roy, isang miyembro ng research team.
Sa artificial kidney sasailalim ang pasyente sa dalawang sistema, ang hemofilter upang malinis ang dugo at paglalagay ng renal tubule cells upang lumusog ang kidney ng tao.
Mainam ang artificial kidney sa kahit na anong edad ng tao, di tulad ng isang kidney transplant na kailangan pang kadugo ang magbigay ng kidney.
Subalit, kailangan parin dumaan sa masusing pagsusuri upang malaman ng mga doktor ang babaguhin sa artificial kidney upang bumagay ito sa katawan ng pasyente.
Tagumpay ang proyektong artificial kidney sa mga dummy na kanilang sinubukan, inaasahan naman na magkakaroon na ng totoong pagsubok ito sa mga tao sa darating na panahon, dag dag ni Roy. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment