Wednesday, September 29, 2010
Tubig sa swimming pool nagdudulot ng kanser
BARCELONA, Spain – Ang tubig sa swimming pool maaring makapagdudulot ng sakit na kanser, batay sa isinagawang pagsasaliksik ng mga ekspertong doktor kamakailan.
Ayon kay Dr. Manolis Kogevinas, professor sa Centre for Research in Environmental Epidemiology, mapanganib sa kalusugan ng tao ang kemikal na chlorine na inihahalo sa tubig ng swimming pool, dahil nagdudulot ng kanser sa pantog.
Sinasabing ang sanhi ng kanser ay ang disinfection byproducts (DBP), na matatagpuan sa tubig ng swimming pool at ito ang mistulang lason kung babad sa kemikal na chlorine.
Lumalabas kasi sa pag-aaral na malaki ang tsansa ng isang tao na mahilig lumangoy sa swimming pool na makakuha ng kanser sa pantog kung makainom ng tubig na may halong chlorine.
Bukod pa sa kanser sa pantog, di rin ligtas ang balat ng tao, dahil sa taas ng antas ng kemikal taglay ng swimming pool.
Sa loob lamang ng 40 minuto, apektado na ang balat sa chlorine na inihalo sa isang swimming pool, dagdag pa ni Kogevinas.
Payo naman ni Kogevinas, upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng swimming pool, ugaliin tignan kung gaano kadalas linisin ang palanguyan, alamin kung may permiso at huwag dumihan ang swimming pool. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment