Wednesday, September 22, 2010
Pinoy-Tsino komunidad sa Baguio nanalangin
BAGUIO CITY, Philippine – Nagkaisa ang mga Filipino-Chinese, Tsino at Filipino sa pagdarasal upang magkaroon ng rekonsilasyon ang nagkakaroong lamat sa pagiging magkaibigan ng bansang Pilipinas at Tsina.
Nagkaroon ng lamat ang relasyon ng dalawang bansa dahil sa pagkamatay ng walong turistang mula Hong Kong sa hindi inaasahan hostage-taking na naganap sa Luneta ng nakaraan Agosto 23, 2010.
Idinaos ang pagsisindi ng mga kandila sa isang “vigil prayer” na ginanap sa Burharm Lake na pinangunahan ni Baguio Mayor Mauricio G. Domagan at Filipino-Chinese lider Charles Cheng.
Dasal ng grupo na payapain ang galit at hilumin ang sakit na naranasan ng Tsina, matapos maganap ang natrurang trahedya at marami ang nangangamba sa anumang maaaring iganti ng Hong Kong sa mga libu-libong OFWs na nagtatrabaho sa lugar.
Nagkasundo ang grupo na manalalangin sa ikagaganda ng relasyon ng dalawang bansa at ipaalam na rin sa buong mundo na ang naganap ay isang “isolated incident” lamang. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment