Wednesday, September 29, 2010

Dumi ng aso pwedeng gawing enerhiya



CAMPBRIDGE, Mass. – Naiinis ba kayo nakakaapak ng dumi ni Bantay? Nahihirapan ba kayong linisin ang ipot ng inyong alagang aso? Puwes, dapat magpasalamat pa rin dahil nandito na ang kasagutan sa kalat ni Bantay matapos makagawa na gawing enerhiya ang kanilang dumi.

Sasalain ang dumi ng aso, ilalagay sa isang methane digester at tutunawin hanggang maging gas upang umilaw ang isang street lamp, ayon kay Matthew Mazzotta, imbentor ng Park Spark Project.

Naisip ni Mazzotta sa dami ng may alagang mga aso na dumudumi sa mga parke, napag-aralan niya na maaring gamitin ang kanilang dumi upang magpagkukunan ng enerhiya sa tulong ng methane digester.

Kung gagamitin ang dumi ng aso bilang kuryente ay kayang pandarin ang mga street lamps, tiyak na makakatipid ng gastos ang lokal na distrito sa kanilang mga bayarin sa kuryente.

Unang sinubukan ang Park Spark Project sa Pacific Street Park ng Cambridge , pinayuhan ang mga residente doon na magdala ng plastic bag tuwing kasama ang kanilang alagang aso, kailangan kunin nila ang kalat ng alaga at itapon ito sa methane digester.

Natuwa naman si Mazzotta dahil tinulungan siya ng mga lokal na opisyal ang kanyang naimbento at umaasang mapapalawak niya ang kanyang Park Spark Project sa buong US . #30#

No comments:

Post a Comment