Saturday, November 6, 2010

Bakit epektibo ang fish oil sa puso at panlaban sa diabetes




Napag-alaman ng mga researcher kamakailan bakit mabisa ang fish oil upang magkaroon ng malusog na puso at pangontra ng sakit na diabetes.

Ayon sa mga researcher ng University of California , San Diego School of Medicine, nagtataglay kasi ang fish oil ng “marchophages,” isang klase ng white cells na tumutulong sa immune system upang labanan ang sakit sa puso at sugar level.

Dagdag pa nila, ang G-protein receptor 120 o GPR120 ay isang molecule na natatagpuan sa macrophages, na nagbibigay ng malakas ng anti-inflammatory effect sa mga taong kumakain ng mga isda upang maging malakas ang pangangatawan.

Hatid din ng fish-oil ang omega-3 fatty acids, na nagpapatatag sa puso upang makaiwas sa kahit na anumang sakit sa puso, ani Jerrold Olefsky, isang Medical Doctor at isa sa mga mananaliksik.

Meron din docosahexaenoic acid (DHA) at eicosapentaenoic acid (EPA) na pumapalit sa GPR120 upang laging mababa ang sugar level at kolesterol sa puso.

Mungkahi ni Olefsky, mabisa ang fish oil na isang therapeutic agent, pangtulong sa mga gustong madiyeta upang maiwasan ang mga sakit na diabetes o puso.

Patuloy parin ang pananaliksik ang siyentipiko kung maaring gawing gamot ang fish oil dahil sa taglay na malusog na protina nito. #30#

No comments:

Post a Comment