Monday, November 22, 2010
‘Online class’ mabisa rin sa pag-aaral
Lumalabas sa isang pagsasaliksik na mabisa rin sa estudyante ang pag-aaral sa internet o ang tinatawag na “online class.”
Dahil sa nauuso na ang “online class” sa mga estudyante ng University of Nebraska, nagpalagay ng ilang mga mag-aaral ng “internet class” sa kanilang bahay upang kahit hindi na pumasok mismo sa kanilang paaralan.
Nagsagawa ng malawakang pag-aaral ni Robert Vavala, isang graduate student ng Agronomy, upang alamin kung may natutunan ang mga estudyante sa “online class.”
Lumabas sa pagsasaliksik na walang pinag-iba at halos magkapantay lamang ang grado ng mga “online student” kumpara sa mga “classroom student,” kasama na ang antas ng kanilang natutunan.
Sa naturang pag-aaral, sumailalim ang 250 estudyante at hinati sa dalawa, isang online students at ang kalahati naman ay class students. Binigyan ng parehas na kurso at asignatura at pinagkumpara ang kanilang nakuhang grado.
Ngunit, sa mga online students hindi nila nararanasan makisalamuha sa ibng kapwa estudyante at umaasa lamang sa guro. Ayon pa kay Vavala, mas maganda parin magkaroon ng interaksyon sa ibang tao upang madagdagan ang kaalaman.
Nauso ang “online class” sa mga gustong mag-aral na di kayang pumunta mismo sa mga paaralan, tulad sa mga may trabaho, may sakit, may kapansanan o minsan mga sikat na tao. Mas pinipili nila ang “online class” dahil kahit sa laptop lamang ay nakakapag-aral na sila. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment