Saturday, November 6, 2010

Text messaging sanhi ng insomnia sa kabataan




Kung sobrang pagkahumaling ng mga kabataan sa text messaging, nakakabawas daw ito ng tulog na magiging sanhi ng insomia, ayon sa pag-aagaral ng isang doktor sa JFK Medical Center sa New Jersey .

Lumalabas sa pagsusuri ni Dr. Peter Polos, sa sobrang pagtetext sa cellphone, nakakalimutan ng mga kabataan na maagang matulog na magbibigay ng esulta upang magkaroon ng masamang kalusugan.

Sa 40 kabataan na inimbita upang sumailalim sa isang pag-aaral tungkol sa epekto sa sobrang pagtetext, napag-alaman na marami sa kanila ang hindi napapansin ang maagang pagtulog kung kayat nagiging insomniac sila at nagreresulta nahihirapan matulog.

Bukod pa sa kahirapan sa pagtulog kung nasobrahan ang pagtetext, maari rin daw magkaroon ng madalas na pagkabahala, depresyon at mababang intelligence quotients o low IQ, dagdag pa ni Dr. Polos.

Payo ng mga doctor, maari payuhan ng mga magulang ang kanilang mga anak huwag sobrahan ang paggamit ng text messaging sa kanilang cellphone upang di mapasama ang kanilang kalusugan. #30#

1 comment: