Saturday, November 20, 2010

Robot tuturuan tumula






Alam natin na walang pagbabago sa pagsasalita (monotonous) ng mga robot, minsan walang tono, ngunit, sa tulong ng mga tula maaring mabigyan ng buhay ng kanilang pananalita.



Sa pamamagitan ng paggamit ng tula , posibleng maaayos ang pananalita ng mga robot, ayon kay Dr. Michael Wagner, isang researcher sa McGill Department of Linguistic.



Ang mga tula kasi ay may prosody, ang ritmo at paibabang tono ng pananalita, kung kaya’t mainam itong pangsanay sa mga robot upang magkaroon ng buhay sa kanilang pagsasalita.



Dahilan ni Dr. Wagner sa pagkakaroon ng “tono at ritmo” o “prosody” sa programa ng isang robot ay upang mas maintindihan ng mabuti ng tao ang nais nitong sabihin.



Mainam din ito sa mga taong may kapansanan sa pananalita, dahil pwede silang gumamit ng mga robot upang maitindihan sila.



Ngunit, kahit na matuto ang robot na tumula hindi parin mapapantayan nito ang natural na pananalita ng tao, dagdag ni Dr. Wagner. #30#

No comments:

Post a Comment