Monday, November 22, 2010
Hopper, unang Martian car
Talagang pinaghahandaan na ng mga siyentipiko ang pagpunta ng tao sa planetang Mars dahil plano na nilang bumuo ng isang kakaibang sasakyan.
Masusing pinag-aaralan nang gawin ng Space Research Center ng University of Leicester ang kaunaunahang Martian car na lumulundag sa papawirin.
Ang bagong sasakyan na tinawag na Hopper ay meron carbon dioxide propellant na nagpapaangat sa ere at baba ng dahan-dahan, tulad ng isang palaka, ayon kay Dr. Richard Ambrosi, researcher ng Space Research Center .
Pinapaktakbo ng electric power ng isang rocket nozzle upang umangat ito at meron alalay na spring sa paanan upang umalalay sa pagbagsak nito.
Kung papalarin, ang Hopper ay kikilalanin na kaunaunahang Martian car, ngunit kailangan pa ng masusing pananaliksik kung ano ang meron sa papawirin ng Red planet, upang maperpekto ang sasakyan.
Tiwala ang Space Research Center ng University of Leicester sa tulong ng Hopper, kayang libutin ng tao ang buong planetang Mars. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment