Sunday, August 15, 2010
Alkohol mabisa sa rayuma
Alam nyo ba na ang pag-inom ng alkohol tulad ng alak at serbesa ay nakababawas nang rheumatoid arthritis o rayuma, ayon kay Gerry Wilson, isang professor ng Rheumatology ng University of Sheffield ng England.
Sa ginawang pag-aaral, lumalabas na ang umiinom ng alkohol ay malulusog ang mga dugtungan ng mga buto (joints) at daluyan ng mga dugo kaya’t di nagkakaroon ng rayuma, kaysa sa mga taong hindi umiinom at tumataas ang posibilidad na mananakit ang kanilang kasukasuan.
Ikinumpara ng mga researcher ang 873 pasyenteng may rheumatoid arthristis sa 1004 taong walang sintomas ng rayuma, tinanong kung umiinom ng alak, kinuhanan ng x-ray, blood test samples at sinuri ang kanilang mga dugtungan ng buto.
Lumabas sa pag-aaral, nakitaan ang mga hindi umiinon na apat na beses nagkakaroon ng rayuma kumpara sa mga taong umiinon ng alak sa loob ng mahigit 10 beses sa loob ng isang buwan.
Nadiskubre ng mga researcher na umiinom ng alak ng isang anti-cyclic citrullinated peptide (CCP) o anti-CCP antibodies sa mga walang rayuma, paliwanag ni Dr. James Maxwell, bihasa sa Rheumatoid Arthristis ng Rotherham Foundation NHS Trust.
Napagalaman ng mga researcher na ng Anti-CCP antibodies ay meron sa dugo ng mga taong may sintomas ng rayuma sa tuwing nagpapasuri sa doktor.
Subalit wala pang ganap na ebidensiya kung bakit ang alkohol ay mabisang pangtangal ng rayuma, ang pagaaral na ito’y hindi pa ganap at meron limistasyon.
Tugon ni Dr. Maxwell, na kulang pa ang pag-aaral upang patunayan mabisa ang alkohol sa rayuma at hindi matukoy ng mga dalubhasa kung gaano kadalas uminom ng alak, ilang beses sa isang araw, anong klaseng alak ang iinumin at klase ng buhay mayron sa mga taong walang rayuma. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment