Friday, August 27, 2010
Eroplanong walang fuel
Isang eroplanong nakakalipad kahit na walang kargang gas, ito ang kamangha-manghang naimbento ng isang siyentipitkong Amerikano.
Sa pamamagitan lamang ng gravity pwede ng lumipad sa himpapawid ang makabagong disenyo na eroplano ni Robert D. Hunt, dating nuclear designer, imbentor at may ari sa Hunt Aviation Corp.
Hango sa malikhain isip ng pamosong Leonardo Da Vinci, ang kaunaunahang Gravity Plane ay nakakalipad sa tulong ng 2 principle ng gravity, ang buoyancy upang makalutang sa himapapawid at ang gravity acceleration, sa paglipad naman nito sa ere.
Batay ito sa Archimedes Principal na kung saan mas hinihila pababa ng gravity ang mabibigat na bagay kaysa magagaan tulad ng bubbles at lobo, na may kakayahan lumutang, ayon kay Hunt.
Binubo ng lightweight material ang pakpak ng Gravity Plane na naglalaman ng helium, kung kaya’t nakakaangat ito sa himpapawid.
Umaabot sa 100,000 feet ang kayang abutin ng eroplanong may karga na helium, at diumano, walang idudulot itong polusyon at hindi mapanganib sa pagsabog tulad ng mga hydrogen o avgas (ang karaniwang gasolina ng mga eroplano).
Balak naman nina Hunt at ng kanyang aviation company na ilipat ang teknolohiyang Gravity Plane sa mga domestic at commercial airplane, upang makatulong sa mga tao dahil sa napakamura nito kaysa sa nagagastos ng isang pangkaraniwang eroplano sa kanyang gasolina. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment