Friday, August 13, 2010
Resibo delikado sa tao
Mahalaga ang resibo kapag bumili ng mga bagay sa mga pamilihan. Dito malaman ang halaga ng mga bagay ng nabili. Pero, ingat lang dahil ang resibo o cash register ay nagtataglay pala ng lason at nakasasama sa kalusugan ng tao.
Kamakailan, natuklasan nina John Warner, isang chemist at lider ng Warner Babcock Institute for Green Chemistry at mga kasama na ang resibo o cash register nakalalason pala sa tao matapos magsagawa ng ilang eksperimento.
Sa kanilang pagsusuri, ang resibo kasi ay nagtataglay ng kemikal na Bisphenol A, na galing sa mga receipt printer machine na madalas ginagamit sa mga supermarket, convenient store, fast food, gas station at ATM machine.
Ang Bisphenol A ay isang uri ng delikadong kemikal na kung masobrahan nang pagkalantad, pwedeng magkasakit sa puso. At sa mga bata naman nagkakaroon ng problema sa pag-iisip at nagiging obese at para sa mga buntis ay magkaroon ng metabollica disease.
Isang pangunahing sankap ang Bispenol A sa paggawa ng mga papel na inilalagay sa loob ng isang receipt printer, ang kemikal na ito ang tumutulong sa tinta ng receipt printer upang dumikit ang kulay tuwing ginagawa ang mga resibo.
Sa resulta ng experimento, sa 10 resibo nakolekta sa lugar ng Boston, walo ang positibo sa Bisphenol A, anim dito ang may 1.09% hanggang 1.70% Bisphenol A, dalawang natitira ay nakitaan nang .30% at .83% Bisphenol A.
Dagdag pa ni Koni Grob, co-author ng pag-aaral, madaling dumikit ang Bisphenol A sa balat ng tao lalo na kung basa at hindi madaling hugasan.
Sa ginawang eksperimento ni Grob, walang epekto kahit pahiran nang ethanol alcohol upang tanggalin ang Bisphenol A, bagkus ay pumapasok ang kemikal sa loob ng daluyan ng dugo.
Dipensa naman ni Warner, matagal na pagkalantad ang kinakailangan bago maging mapanganib sa tao ang Bisphenol A at ang isa hindi naman palaging hinahawakan ng tao ang mga resibo. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment