Friday, August 20, 2010
Halaman tumubo sa baga ng isang guro
Massachusetts, USA – Isang matandang lalaki ang inakalang may sakit na kanser sa baga, pero ang inaasahang tumor ay isang halaman na tumubo sa kanyang katawan.
Si Rom Sveden, 75-anyos, isang retiradong guro ay isinugod sa ospital matapos makaramdam ng kakapusan sa paghinga at pananakit sa baga.
Matapos ang ilang beses na pagsusuri ng mga doctor ang baga ni Sveden, nagulat sila sa kanilang natuklasan.
Sa halip na tumor ang nakita, sa tulong ng X-ray, nadiskubre nila ang isang halaman ang tumutubo sa baga ni Sveden.
Isang halamn na pea na may laking 12mm o 0.5 pulgada ang nakabaon at buhay sa loob nang katawan ng naturang propesor.
Natuklasan ng mga doktor, nagmula ang halaman sa pagkain ng pea beans at nagkamali ng pagpasok matapos lunukin at sa baga dumiretso sa halip na sa tiyan.
Pero, laki pa rin ang pasasalmat ni Sveden dahil hindi daw kanser ang nakita kundi halaman mula sa araw-araw na pagkain ng pea beans. #30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment