Saturday, August 28, 2010
Gasolinang gawa sa Whiskey
Dahil sa sobrang paggamit ng mga tao sa krudo at nagbabadya ang pagkaubos nito, gagamitin na ang nakakalasing na alak na Whiskey bilang biofuel, ayon sa mga Scottish researcher.
Sa pamamagitan ng prosesong butanol fermentation magiging isang krudo ang Whiskey, na kayang magpatakbo ng isang kotse sa isang buong araw, ani Martin Tangney, Director ng Biofuel Research Centre ng Edinburgh Napier University.
Nagtataglay kasi ang Whiskey ng mga sangkap na ‘Pot ale’ at ‘Draff’ na mabisang pang-gawa ng butanol, isang uri ng kemikal na maaring gamitin na fuel.
Ang pinag-iba ng Whiskey sa ibang biofuel ay 30 porsiyento itong mas mataas ang output power kaysa ethanol, mas malinis, mura at simple lang ang babaguhin sa makina ng kotse upang magamit.
Pag naging matagumpay ang Whiskey bilang biofuel, magkakaroon ng magandang epekto sa merkado at sa buong mundo dahil kakaibang katangian hatid nito, dagdag ni Tangney.#30#
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment