5 generic products na pareho sa branded products
Dahil sa resesyon, karamihan ng mga namimili ay nagtitipid sa pamamagitan ng pagpili sa mga generic product kaysa branded products. Halos kahat ng produkto ay meron generics at di-hamak na mas mura. Pero, kailangan alamin kung kailan bumili ng generics.
Mga produktong pwedeng ng “generic versions:”
Cereal: Okey lang bumili ng generic brand na cereal. Gayunpaman, marami mga namimili ang nagsasabi, na ang generic cereal ay halos kapareho sa kanilang brand name counterparts. Tulad na lamang sa isang 14-ounce box na branded corn flakes na ang presyo ay umaabot sa $2.99, habang ang generic corn flakes ay 99 cents. Kung may pag-alinlangan, suriin ang label ng brand product at ikumpara sa mga sangkap ng generics. Matutuklasan na ang sangkap ay halos parehas. Sa madaling salita, nagbabayad ng extrang halaga para sa corporate mascot.
Prescription: Kung nais makatipid ng malaking halaga ng pera sa mga prescription drug, bumili ang generics dahil mas mababa ang halaga ng 20%-80%, kumpara sa branded medicines. Noon 2008, ang retail price ng branded prescription ay $137.90 kumpara sa generic prescription na $35.22. Karamihan ng mga namimili ay nangangamba na baka hindi ligtas ang generic prescriptions. Ngunit, ang pharmaceutical companies ay gumagamit ng mga parehong sangkap ng mga gamot na ginagawa ng mga branded companies.
Over-the-Counter Medicines: Tulad ng mga prescription drug, malaki rin ang matitipid sa over-the-counter meds, kung generics ang pipiliin. Tulad nang pagbili ng Tylenol, Nyquil o Zantac, may mga murang gamot sa over-the-counter na nagtataglay na parehong sangkap at aprubado ng Food Drug Administration.
Basic Baking Products: Kung nais magimbak ng mga baking basics sa paminggalan, piliin ang generic versions. Tulad ng arina, butter, spices, asin at asukal, ang mga generic baking staples ay halos pareho sa mga branded. Ang mga pagawaan ng generics single-ingredients ay kailangan sumunod sa regulasyon sa paggawa at pagimbak katulad ng mga branded company.
Fresh Fruits and Veggies: Maaring isipin ang mga prutas at gulay na makikita sa mga malalaking supermarket ay mas maraming bitaminang at mas ligtas kainin dahil ginamitan ng makabagong teknolihiya. Pero, lumalabas na ang mga prutas at gulay na “locally produce” ay kasing-ganda kaysa mga branded at mas mura pa ang presyo. #30#
No comments:
Post a Comment