Sunday, August 15, 2010

Pagkalat ng nakamamatay na super bug babala




Nagbabala ang mga siyentipiko ang posibleng pagkalat nang mas mapanganib at nakamamatay na sakit na dulot ng super bug.

Mula sa tawag sa New Delhi na metallo-lactamase-1 NDM-1 o Super Bug, ang naturang virus ay higit pang mas malakas kaysa HN-1 at Ebola virus.

Walang lunas ang kahit anumang klase gamot, vitamins at kasama na ang antibiotic, sa bagsik ng super bug, ayon kay Timothy Waish, pangunahing researcher sa virus.

Wala ring pinipiling lugar ang super bug, kaya nitong mabuhay sa malamig at mainit na lugar, ns umaabot na sa Europa at US ang mga taong naapektuhan ng virus.

Naiulat na meron ng super bug sa Great Britain at tatlo naman sa US , lahat ng mga pasyente ay diumano nagpunta o dumaan sa bansa ng India .

Sintomas ng super bug ay mataas na lagnat na may kasamang urinary tract infection, bacteremia o pneumonia, papahirapan ang maysakit hanggang mamatay.

Nakakatakot kung sakali magkaroon ng world outbreak dahil walang makakapigil sa tindi ng virus ng super bug at wala pang lunas ang nadiskubre at hindi pa tukoy ang pinangalingan ng bacteria.

Ang tangi na lamang paraan upang mapigilan ang paglaganap ng super bug ay ang pagsunod sa katagang “prevention is better than cure,” maging malinis sa kapaligiran at sa katawan at ang mga nagkasakit ay ilagay lamang sa iisang lugar.

Binigyan naman ng travel advisory ang mga tao na iwasan munang pumunta sa bansang India lalo na sa New Delhi , dahil laganap ang super bug
dito.

Sinusubukan naman ang mga bihasang siyentipiko sa buong mundo na makagawa sa lalong madaling panahon ng Kryptonite antibiotic upang malabanan ang super bug bacteria. #30#

No comments:

Post a Comment