Friday, August 27, 2010

Stress nakakabaog sa Babae


Nakakabaog sa babae ang pagkakaroon ng highlevel stress o sobrang tensyon sa katawan, batay sa mga pananaliksik ng mga doktor sa Oxford University ng US National Institute of Health.

Mahirap magbuntis ang mga babaeng palaging pagod sa trabaho, sabi ni Dr. Cecilia Pyper, isang mananaliksik sa National Perinatal Epidemiology Unit ng University of Oxford .

Sa tuwing ang tao ay may stress sa kanyang katawan, nagpapakawala ito ng sangkatutak na alpha-amylase na nagpababa sa fertility rate ng mga babae.

Nakakitaan kasi ng mga matataas na antas ng alpha amylase ang mga babaeng may stress kaya’t mahirap magkaanak.

Lumalabas kasi sa pag-aaral ng grupo ni Dr. Pyper, na 12 porsiyento lang ang tsansang magkaanak ang mga babaeng sobra ang stress.

Ngunit maiiwasan naman kung magkakaroon ang babae ng malusog na pamumuhay, umiwas sa mga bisyo tulad ng alak at sigarilyo, kumain ng masustansyang pagkain, magehersisyo at magpahinga. #30#

No comments:

Post a Comment