Friday, August 27, 2010

Pagtitig sa mga boobs ng babae nakababata




Pampabata daw ang pagtitig ng mga kalalakihan sa naggagandahang dibdib ng mga kababaihan, base sa pag-aaral ng isang doktor na lumabas sa ulat ng New England Journal of Medicine.

Ayon sa doktor, nagbibigay raw ng kasiyahan na humahantong sa magandang pagdaloy ng dugo, kapag nakakakita ang mga lalaki ng malulusog na dibdib ng mga kababaihan, ani Dr. Karen Weatherby, German gerontologist at pangunahing researcher.

Mainam sa mga lalaki ang pampagana sa katawan upang makaiwas sa mga sakit ng matatanda habang nakatingin sa magandang dibdib ng mga babae dahil gumagagana ang imahinasyon na magdudulot nang maayos na pagdaloy ng dugo at puso.

Sampung minuto lang ang kinakailangan na pagtutok ng mga lalaki sa dibdib at halos katumbas na nito ang 30 minutong pag-ehersisyo sa isang gym.

Dagdag pa ni Dr. Weatherby, ang mga lalaking palaging tumitingin sa mga dibdib na babae ay may mababang blood pressure, mahinahong pulso at malusog na puso.

Umabot sa limang taon ang pag-aaral ng doctor sa 200 lalaking nahikayat upang sumali sa isang pagsusuri upang matukoy kung pampabata ang pagtitig sa mga malulusog na dibdib ng mga babae.

Paalala naman ni Dr. Weatherby, hindi raw ito isang biro at huwag lamang sobrahan ang pagtingin sa dibdib ng mga babae dahil masama kahihinatnan kapag nasobrohan. #30#

No comments:

Post a Comment